young love

October 23rd, 2008 by boybanayad

Nakatungong pilit tinatago ang ngiti

Nanginginig,wlaang masabi at medyo nakikiliti

Lahat ng bagay na iyong ginagawa

Tila naka slomo, akoy napapatulala

Sa bawat tawa, biro at mga salita

Sumasabay ang pintig ng pusong nanananaba

Bawat silay sa iyo katumbas ay ligaya

Tuwing ikay nasa isip ang puso’y tumatawa

Bawat kantang marinig larawan mo ang sumusungaw

Sa iyong mga titig akoy natutunaw

Lahat ng panaginip ikaw nag laman

Kapag kasama ka ay hindi maiwasang magasam

Na sana bukas tayoy magkasama

Na sana bukas ikaw ay mapatawa

Dahil sa iyong ngiti ako ay nabubuhay

Ang iyong mga tawa ang kumikitil sa aking lumbay

Pero tila lahat ng ito ay kay layo na

Ang aking puso ay matagal ng humintong umasa

Ang bawat pagibig at pangarap ay nalimot

Ngayon ang iyong alala ay nsa tabi na at sinasapot.

love poems

November 19th, 2007 by boybanayad

Love Poems

Shit,

love poems dont pay the rent

you gotta come stronger than that baby

you got to come stronger than that

but you know maybe its me

playing this role like my heart is cold

i figure if you dont know, then you are never gonna know

that yeah,

i did love somebody one time

what i took this little girl from a shorty

and turned her into a fly ass dime

and when i thought she was mine, all mine

it wasnt even like that jack

sometimes when i think back

i feel a  little guilty cause i stepped

to her when she was nothing but a similac

i had to see where her head was at

and thats when i knew

she was going to grow up to be, to be all that

matter of fact till this day

aint no girl out there got more props than her

nah, cause you see

my little love had a way of looking up to me

like i was her big brother

taking care of me and feeding me

like she was my mother

and everything we ever did in this world seemed to be original

cause we were each others first lovers

so there aint no other girl out there

got more props than her

plus i dont even see myself going through that again my friends

i guess thats why i have a hard time writing "love poems"

cause i love, love

i just like to love where its at

pure, just like that

no added preservatives

no trying to run it through a test

just leave it alone and let it manifest

cause its bad enough the truth

already suffers from to much analysis

and theres nothing more truer than love

there is nothing more painful either

im not joking,

id rather catch an ass whopping

than get my heart broken

cause an ass whopping will come quick,

depending how many people are giving to you of course

but a broken heart

a broken heart will work its way up in you

nice and slow

and before you know it

you are on your living room floor, talking bout,

"i…..dont…want to live… no more!"

but yo,

funny how memories of my little love

got me in the zone..

but im still not writing, no fucking love poems

Madaling araw

June 25th, 2007 by boybanayad

Ano ba itong nagnanakaw ng aking pagkahimbing at panaginip

Kaya ngayon ako’y muling mulat at nakatanga

Habang hinahawi ang karimlan ng gabi

Ako’y nagsisikap mabawi ang hinablot na pahinga

Ang katahimikan ay tila umaawit ng pagkutya sa aking mga pagod na mata

Habang ang paligid ay tila nakangiti at tahimik na tumatawa

Ilang beses pa bang susuyuin ang antok?

Nakahigang hinihintay lumapit ang pagtulog

Kaya’t sa gitna ng pagkakahimlay matiyagang nagiisip

Pilit iniiwasang abutin ng  liwanag na sa ulap ay nagsisimulang sumilip

Ilusyon

June 4th, 2007 by boybanayad

Mga matang bulag sa mga dapat makita

Marahil nga ay nalinlang lang ng mga nadarama

Sa kathang isip na damdamin paulit ulit nahuhulog

Muli na namang susubuking umahon…. Para lang muling malugmok

Mayo dise otso

May 18th, 2007 by boybanayad

Tuluyan na nga bang nilamon ang mga araw nating nagdaan

Bakit kasi noo’y hindi naaming hindi kayang talikdan

Tapos na nga ba? ang liwanag ay panaginip na nga lang ba?

Pangungulilang di magmaliw, Masilayan ka lang ng saglit ay sapat na

Hakbang

May 6th, 2007 by boybanayad

Short pants, backpack, puting polo at lunchbox

Nakangiting sinasariwa ang mga unang hakbang

Patungo sa pandayan ng mga pagkatao at isipan

Ngunit hindi pa human ang pagpapanday at paghihinang

Kaya’t sa darating na bukas muli na namang hahakbang

Alala

May 4th, 2007 by boybanayad

Naririnig ang mga tawa sa kung saan

Mga ngiting tila nanunukso mula sa kawalan

Mga tanikalang hanggang ngayo’y nakagapos sa puso

Hindi pa rin mahanap ang kalayaan mula sa iyong pagbihag

Hanggang ngayon larawan mo’y hindi pa rin matinag

Simoy

May 2nd, 2007 by boybanayad

Tahimik na nakangiti habang nakapikit

Dinadama ang hanging tila naglalambing

Uhaw na nilalasap ang panandaliang ginhawa

At sa ilang saglit na iyon nadamang merong pagasa

At sa muling pagmulat taas noong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad

Tanga

May 1st, 2007 by boybanayad

Tulala, Mga matang namamaga,

Mga butil ng liwanag na unti unting sumusungaw

Kaluluwa ba ay ligaw?

Isang milyong segundong lumipas,

Andito na naman ang bukas,

Sumikat, lumubog ang araw,

mundong hindi pa rin mapukaw,

Natutulog ng dilat ang mata… meron pa bang kaluluwa?

Hindi gumagalaw at tulala, Mga mata’y namamaga