Archive for June, 2007

Madaling araw

Monday, June 25th, 2007

Ano ba itong nagnanakaw ng aking pagkahimbing at panaginip

Kaya ngayon ako’y muling mulat at nakatanga

Habang hinahawi ang karimlan ng gabi

Ako’y nagsisikap mabawi ang hinablot na pahinga

Ang katahimikan ay tila umaawit ng pagkutya sa aking mga pagod na mata

Habang ang paligid ay tila nakangiti at tahimik na tumatawa

Ilang beses pa bang susuyuin ang antok?

Nakahigang hinihintay lumapit ang pagtulog

Kaya’t sa gitna ng pagkakahimlay matiyagang nagiisip

Pilit iniiwasang abutin ng  liwanag na sa ulap ay nagsisimulang sumilip

Ilusyon

Monday, June 4th, 2007

Mga matang bulag sa mga dapat makita

Marahil nga ay nalinlang lang ng mga nadarama

Sa kathang isip na damdamin paulit ulit nahuhulog

Muli na namang susubuking umahon…. Para lang muling malugmok