Madaling araw

Ano ba itong nagnanakaw ng aking pagkahimbing at panaginip

Kaya ngayon ako’y muling mulat at nakatanga

Habang hinahawi ang karimlan ng gabi

Ako’y nagsisikap mabawi ang hinablot na pahinga

Ang katahimikan ay tila umaawit ng pagkutya sa aking mga pagod na mata

Habang ang paligid ay tila nakangiti at tahimik na tumatawa

Ilang beses pa bang susuyuin ang antok?

Nakahigang hinihintay lumapit ang pagtulog

Kaya’t sa gitna ng pagkakahimlay matiyagang nagiisip

Pilit iniiwasang abutin ng  liwanag na sa ulap ay nagsisimulang sumilip

Leave a Reply