young love
Thursday, October 23rd, 2008Nakatungong pilit tinatago ang ngiti
Nanginginig,wlaang masabi at medyo nakikiliti
Lahat ng bagay na iyong ginagawa
Tila naka slomo, akoy napapatulala
Sa bawat tawa, biro at mga salita
Sumasabay ang pintig ng pusong nanananaba
Bawat silay sa iyo katumbas ay ligaya
Tuwing ikay nasa isip ang puso’y tumatawa
Bawat kantang marinig larawan mo ang sumusungaw
Sa iyong mga titig akoy natutunaw
Lahat ng panaginip ikaw nag laman
Kapag kasama ka ay hindi maiwasang magasam
Na sana bukas tayoy magkasama
Na sana bukas ikaw ay mapatawa
Dahil sa iyong ngiti ako ay nabubuhay
Ang iyong mga tawa ang kumikitil sa aking lumbay
Pero tila lahat ng ito ay kay layo na
Ang aking puso ay matagal ng humintong umasa
Ang bawat pagibig at pangarap ay nalimot
Ngayon ang iyong alala ay nsa tabi na at sinasapot.